7 OVERLOAD ☽

MIRACLE IN CELL NO.7

Ayun. Pinanood ko na din siya dahil naintriga ako sa mga nakikita kong posts tungkol dito. Maganda daw at nakakaiyak. Pati daw mga lalake, naiyak.

Bago ko panuorin, Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako iiyak. Pero putang ina napaka-talkshit ko! Nung nagpigil ako ng luha, parang mas sumakit pa yung loob ko nung pinapanood to. Bumigay din ako sa may bandang huli. Hindi ko kinaya at talagang umiyak na ako. As in sobrang iyak. Halos maubos ko yung tissue ng nanay ko. 

Ang masasabi ko lang, Kasalanan ni Sailormoon!!!! hahahahaha joke. Ang gandang storya lang neto. Akala ko sa A Walk To Remeber at Titanic lang yung sobrang iyak ko pero hindi! Mas malala to! =))) Eto yung unang pelikula na gumamit ako ng twalya pampahid sa mga luha ko. 

Halo halong emosyon ang naramdaman ko nung napanuod ko to. Natawa, Nasiyahan at naiyak. At kahit malungkot, maganda pa rin ang kinalabasan. Tyaka hindi nakakabigo ang ending dahil nabigyan naman ng hustisya sa huli yung tatay :) Basta shet! 9/10 para sa movie na to.

Sa mga hindi pa nakakanuod, Panuorin niyo na dito :)

  1. casualsundayyy reblogged this from thesickestlady
  2. beautifulstranger28 reblogged this from thesickestlady
  3. still-younggg-to-fail reblogged this from thesickestlady
  4. hanacasanova reblogged this from thesickestlady
  5. cuteangel012 said: nakakaiyak yan sobra beh :’3
  6. thesickestlady posted this